Home OPINION MEDIA CONTROL SA US, ISRAEL, IRAN

MEDIA CONTROL SA US, ISRAEL, IRAN

163
0

SA Pinas, malayang-malaya kahit papaano ang mediamen sa pag-uulat ng gusto nilang iulat.

Lalo na sa usaping kontra-gobyerno o pabor nito ukol sa ginagawa nito at mismong mga kabulukan nito.

Si Pangulong Bongbong Marcos nga, nagiging reporter na rin ukol sa kanyang ginagawa at hindi na lang ang kanyang mga spokesman o spokeswoman.

Maging ang ilang Justice ng Supreme Court, may pagkakataong sila’y nag-uulat din, lalo na kung sasagot sila sa mga bumabatikos sa kanilang mga desisyon.

KAHIT SA GIYERA, KORAPSYON AT DROGA

Kahit sa panahon ng giyera, may kalayaan pa rin ang mediamen.

Halimbawa na lang ukol sa paglitaw ng mga pagkukulang ng gobyerno sa tugon nito sa mga overseas Filipino worker na napapahamak o napababayaan sa digmaan sa Middle East.

Nilaglag ng gobyerno ang ilang opisyal o obrero sa isang embahada na humarang at hindi nagbigay ng nauukol na tugon sa mga nangangailangan sa simpleng dahilan na walang ng pondo para sa mga OFW.

Lalo na nang magkaisa ang lahat ng media mula sa diaryo, radio at telebisyon makaraang lumitaw ang balita sa bisa ng social media.

Dito na rin naikabit ang kawalan ng gobyerno ng mabilis at sapat na aksyon para sa proteksyon ng mga OFW at pagkalinga sa mga ito, lalo na ang pagpapauwi sa mga gustong umuwi.

Bunga nito?

Hayan, may mga chartered plane na para iuwi ang mga stranded at gustong umiwas sa kamatayan at kawalan ng masisilungan sa gitna ng giyera kahit sinasabi mismo ni Marcos wala tayong magagawa.

May pondo pala para sa kaligtasan ng mga OFW at may magagawa.

Maging ang giyera sa pulitika at korapsyon, hindi rin nakaliligtas sa mga pag-uulat ng mediamen.

Impeachment man ‘yan o suhulan umano rito, giyera ng mga senador sa kuwestiyunableng West Philippine Sea at hilaw na imbestigasyon sa 1.3 trilyong iskandal sa anti-flood control program at gulo ngayon sa Kamara sa pag-ugong ng palit-liderato, umano’y pagiding adik ng Pangulo ng bansa, mga rally laban sa kabulukan at kawalan o kakulangan ng pamahalaan ng mapagpasyang tugon sa krisis sa suplay at presyo ng mga produktong petrolyo.

Name it, you have it sa media.

Kung may mga giyera man laban naman sa media, pawang mga libelo at pailang-ilang pag-aresto lamang.

SA US, IRAN AT ISRAEL

Sa Iran at Israel, may tig-500 mediamen na pala sa mga bansang ito ang inaresto at ikinulong.

Lalo na ang mga naglalabas ng mga litrato o video ukol sa mga detalye sa mga sensitibong lugar na binobomba, mga taong pinapatay o minamasaker.

Pero higit dito, dapat lumabas lang umano ang mga pabor sa kani-kanilang interes at hindi saliwa rito.

Maging sa US na malaya ang media, gusto na ring kontrolin ng mga pinuno ng pamahalaan maging ang headline o laman ng mga balita.

At may mga banta na sa mediamen na umayos ang mga ito at dapat pabor lang sa US ang dapat ilabas.

Gustong palabasin ng mga pinuno na matulad ang media noong panahon ni Saddam Hussein sa Iraq na palabasing may hawak na weapon of mass destruction ito kaya ito giniyera saka binitay kalaunan.

Mediamen, laban lang!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here