MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na kalangitan at pagkalat ng pag-ulan sa buong Pilipinas sa Biyernes, ayon sa PAGASA.
Posibleng makaranas ng thunderstorms ang Eastern Visayas na may banta ng flash floods o pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan at posibleng malalakas na thunderstorms.
Katamtamang hangin mula sa silangan hanggang hilagang-silangan ang mararanasan sa silangang bahagi ng bansa, habang bahagyang kalmado ang karagatan sa natitirang bahagi. RNT