MANILA, Philippines – Isang solo bettor ang nanalo ng P4.5 milyon sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Marso 13, 2025, gamit ang nanalong kombinasyong 5-8-1-6-7-4.
Samantala, walang nanalo sa major prizes ng Superlotto 6/49 at Lotto 6/42.
Umabot na sa P87.9 milyon ang jackpot ng Lotto 6/42, habang nasa P25.7 milyon naman ang premyo ng Superlotto 6/49. RNT