Home METRO #WalangPasok, Marso 14 sa mala-impyernong damang-init

#WalangPasok, Marso 14 sa mala-impyernong damang-init

MANILA, Philippines – Kinansela ang mga klase sa Biyernes, Marso 14, 2025, sa ilang lugar dahil sa inaasahang mataas na heat index o mala-impyernong damang-init.

Walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Dagupan City, Mamburao sa Occidental Mindoro, Manaoag, Mangaldan, at Urdaneta City sa Pangasinan, kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan.

Kanselado rin ang face-to-face classes sa hapon sa pampublikong paaralan sa Malasiqui at San Jacinto, Pangasinan. RNT