MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na tatlong lugar sa bansa ang posibleng umabot sa “danger level” na heat index sa Marso 14, 2025, na may temperaturang nasa pagitan ng 42°C at 51°C, na nagdadala ng panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Maaaring umabot sa 44°C ang Dagupan City, habang 42°C naman sa Cuyo, Palawan, at Cotabato City.
Sa Metro Manila, inaasahang aabot sa 39°C ang temperatura sa NAIA, Pasay City, at 37°C sa Science Garden, Quezon City.
Bagamat hindi kasing-init ng 2024 ang dry season ng 2025, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat pa rin. Santi Celario