MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang International Criminal Court (ICC) sa mga awtoridad ng Pilipinas matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynila kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
Ayon sa ICC na nagpapasalamat sila sa Pilipinas para sa “commitment to upholding international accountability mechanisms, and the authorities of the Host State, the Netherlands, for their cooperation and support.”
Dinala si Duterte sa The Hague at kasalukuyang nakakulong sa Scheveningen Prison habang hinihintay ang kanyang paglilitis.
Kumpirmado ng ICC na magkakaroon ng pagdinig upang kilalanin ang akusado at ipabatid sa kanya ang kanyang mga karapatan at mga kasong isinampa laban sa kanya ayon sa Rome Statute.
Pinuri rin ng ICC ang suporta at pakikipagtulungan ng Pilipinas at Netherlands.
Samantala, inatasan ng Korte Suprema ang mga opisyal ng gobyerno na magbigay ng paliwanag sa mga petisyon para sa pagpapalaya ni Duterte, na inihain ng kanyang anak na si Davao City Representative Paolo Duterte. RNT