Home HOME BANNER STORY Oil price rollback ulit

Oil price rollback ulit

MANILA, Philippines – Inaasahang bababa muli ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, posibleng bumaba ang presyo ng gasolina ng P0.10 hanggang P0.40 kada litro, diesel ng P0.20 hanggang P0.60, at kerosene ng P0.30 hanggang P0.60.

Ang pinal na pagbabago sa presyo ay malalaman pagkatapos ng trading sa Biyernes, at opisyal na iaanunsyo sa Lunes para sa implementasyon sa Martes.

Ang rollback ay dulot ng panghihina ng ekonomiya ng US at global market, pati na rin ang pangamba sa sobrang supply.

Noong Marso 11, 2025, bumaba ang presyo ng gasolina ng P1.70 kada litro, diesel ng P0.90, at kerosene ng P1.80.

Sa kabuuan ng taon, tumaas ang presyo ng gasolina ng P2.15 kada litro at diesel ng P3.05, habang ang kerosene ay bumaba ng P0.30 kada litro. RNT