MANILA, Philippines- Iiral ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas dahil sa easterlies, ayon sa PAGASA nitong Sabado.
Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng localized thunderstorms.
Inaasahan naman ang moderate winds at coastal waters sa Extreme Northern Luzon, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-5:52 ng umaga at lulubog ng alas-5:27 ng hapon. RNT/SA