Home NATIONWIDE Easterlies makaaapekto sa bansa

Easterlies makaaapekto sa bansa

MANILA, Philippines – Makaaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang easterlies ngayong Linggo, Hunyo 2.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorm.

Inaabisuhan ang publiko na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa serye ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC