Home HOME BANNER STORY Soberanya ng Pilipinas sa WPS kinilala ni PBBM sa Shangri-La speech

Soberanya ng Pilipinas sa WPS kinilala ni PBBM sa Shangri-La speech

MANILA, Philippines – Naghatid si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malakas na mensahe sa Shangri-La Dialogue sa Singapore na naggigiit ng soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“At the start of his speech, sinet niya na yung tune na notion natin na the Philippines is an archipelagic state,” pagbabahagi ni defense analyst Renato de Castro sa forum nitong Sabado, Hunyo 1.

“Sa umpisa pa lang, yung importansya ng being archipelagic state… of course, maganda rin minention niya dun yung the fact na ‘the [life-giving] waters of the West Philippine Sea runs in the blood of every Filipino.’ So in a very creative way, sinasabi niyang maritime nation ang [Pilipinas].”

Sa kanyang speech sa Shangri-La Dialogue nitong Biyernes, kinilala ni Marcos ang commitment ng administrasyon na protektahan ang territorial rights ng bansa sa kabila ng maritime dispute nito sa China.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng territorial claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“We will never allow anyone to detach it from the totality of the maritime domain that renders our nation whole.”

“As President, I have sworn to this solemn commitment from the very first day that I took office. I do not intend to yield. Filipinos do not yield,” dagdag ng Pangulo.

Ipinunto rin ni Marcos na ang territorial claims ng bansa ay “derived not from imagination, but from international law,” sa pagbabanggit ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, at 2016 arbitral ruling.

Sa mga pahayag na ito, iginiit ni Marcos na ang mga claims ng Pilipinas kasabay ng maritime tensions sa China ay “undebatable.”

“Na-set niya po ang parameters ng ating posisyon sa Indo-Pacific, sa buong international system. Na hindi na po ito up for debate. The reason is that Philippine territory, as an archipelagic state, our internal waters, our exclusive economic zone, our territorial sea, are all founded and based and rooted on international laws,” ayon kay geopolitical analyst Don McLain Gill.

“The problem is not defining our area, naka-define na po ‘yan (that has been defined). The problem is rooted in those countries that refuse to accept international law,” dagdag pa niya.

Pinagtibay sa 2016 arbitration ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa pagbabasura sa claims ng China sa pinag-aagawang West Philippine Sea. Hindi naman kinilala ng China ang desisyong ito. RNT/JGC