Home NATIONWIDE Easterlies makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Iiral ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Mayo 22.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies.

Ibinabala naman ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa serye ng malalakas na thunderstorm. RNT/JGC