Home METRO Eastern Visayas nanganganib sa tagtuyot

Eastern Visayas nanganganib sa tagtuyot

94
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na posibleng maranasan ang matagal na tagtuyot sa Region 8 habang papalapit ang Eastern Visayas sa kondisyon ng El Niño, kaya’t hinikayat ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang sa pag-iwas at paghahanda.

Sa Maghanda Summit na ginanap sa Leyte Convention Complex sa Palo, Leyte, inatasan ang mga opisyal ng disaster risk reduction and management na maghanda agad dahil sa mga senyales ng pagbaba ng ulan sa rehiyon.

Ayon kay Joan Maghacot, chief meteorological officer ng PAGASA Catbalogan synoptic station, “isang porsyento na lamang” ang pagitan ng kasalukuyang kondisyon ng rehiyon bago maabot ang full-scale climate advisory.

Ipinaliwanag niya na naglalabas ng alerto ang PAGASA kapag umabot sa 70 porsyento ang posibilidad ng El Niño.

“The alert means there is now a 79 percent probability that El Niño will occur; we are just one percent away from reaching the threshold for an El Niño Advisory,” aniya.

Ayon sa PAGASA, kapag umabot sa 80 porsyento ang posibilidad, ilalabas ang advisory level na nangangailangan ng mas mahigpit na monitoring at pinalakas na pagtugon ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor.

Bagama’t patuloy pa ang pagbuo ng El Niño, inaasahan ng PAGASA na mararamdaman ang epekto nito sa huling bahagi ng taon hanggang sa ikalawang quarter ng susunod na taon.

“The effects of El Niño will likely be experienced in the last quarter of this year until the second quarter of next year,” dagdag ni Maghacot.

Iniulat din ng ahensya na mas mataas kaysa normal ang sea surface temperature sa gitnang ekwador ng Pacific Ocean, na isa sa pangunahing indikasyon ng lumalakas na El Niño.

Hinikayat ng PAGASA ang publiko na makibahagi sa buwanang Climate Outlook Forums habang naghahanda ang bansa sa posibleng pagbawas ng suplay ng tubig hanggang 2027.

Ang “Handa Pilipinas” Summit na pinangungunahan ng Department of Science and Technology ay nagsisilbing plataporma para sa pagpapakilala ng mga teknolohikal na solusyon upang mabawasan ang epekto ng tagtuyot. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here