Home METRO EBF: Mary Jane Veloso gawaran ng full clemency

EBF: Mary Jane Veloso gawaran ng full clemency

MANILA, Philippines- Umaapela sa administrasyong Marcos ang Ecumenical Bishops Forum (EBF)– fellowship ng Catholic and Protestant bishops na bigyan ng full clemency si Mary Jane Veloso.

Inaasahang babalik sa Pilipinas mula Indonesia si Veloso sa lalong madaling panahon matapos ang pormal na kasunduan sa kanyang paglipat ay naabot kasunod ng isang mataas na antas na pagpupulong sa ibang bansa, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Nauna nang sinabi ng DOJ na bahala na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung bibigyan ng clemency o hindi si Veloso.

Ang mga retiradong obispo na sina Ciriaco Francisco, Joel Tendero, mga retired Reverend Emelyn Gasco-Dacuycuy, Dindo de la Cruz Ranojo, at Bishop Emeritus Deogracias S. Iniguez, Jr., ang lumagda sa pahayag.

Si Veloso ay nakakulong sa Indonesia sa loob ng 14 taon matapos siyang mahatulan ng drug trafficking noong 2010. Jocelyn Tabangcura-Domenden