CONGO – Kumalat na sa ikawalong probinsya ang outbreak ng Ebola sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa public health institute ng Congo, naitala ang outbreak ng Ebola sa North Ubangi na lalo pang nagdagdag sa pahirapang pagsugpo sa pagkalat ng sakit.
Kinumpirma ng National Institute for Biomedical Research ang dalawang kaso kabilang ang isang namatay sa North Ubangi.
Ang North Ubangi ang ikawalong probinsya na naapektuhan ng outbreak kabilang ang North Kivu, Ituri, Haut-Uele, Tshopo, Sud-Kivu, Bas-Uele at South Ubangi.
Ang outbreak na maituturing na pinakamalala sa kasaysayan ng Congo ay kumalat na sa mga border ng naturang bansa at nakarating na sa Uganda at Kenya.
Sa pinakahuling report ay nagkaroon ng 67 bagong kaso ng Ebola sa Congo at mayroong 26 na nasawi sa nakalipas lamang na 24 na oras noong Oktubre 16.
Dahil dito ay umabot sa 9,415 ang kumpirmadong kaso ng Ebola at 4,536 na namatay dahil dito. RNT/JGC