Home NATIONWIDE Pope Leo muling humarap sa publiko matapos maoperahan sa lung cancer

Pope Leo muling humarap sa publiko matapos maoperahan sa lung cancer

1
0

VATICAN – Nangako si Pope Leo nitong Linggo na unti-unti nang babalik sa normal na gawain bilang lider ng 1.4 bilyong Katoliko, sa una niyang public appearance matapos operahan sa lung cancer.

Mula sa bintana ng Apostolic Palace, nakangiti at may malinaw na boses na hinarap ng 71-anyos na Santo Papa ang nasa 15,000 pilgrims sa St. Peter’s Square.

“Having overcome this delicate phase… I will now gradually resume my activities, always with the help of God and your prayers,” ani Pope Leo.

Na-discharge siya nitong Sabado mula sa Gemelli Hospital sa Rome matapos alisin ang lower lobe ng kanang baga niya noong Martes.

Ayon sa mga doktor, kaya na niyang gawin ang normal activities at posibleng fully recovered na sa loob ng 10 araw.

Nagkaroon ng lung adenocarcinoma — pinakakaraniwang uri ng lung cancer — ang pinakabatang Santo Papa sa nakalipas na dekada na nahalal lamang noong Mayo 2025.

Bagamat kinansela ang iba pa niyang public events hanggang Miyerkules, nananatiling nasa schedule ang nakatakdang biyahe niya sa Uruguay, Argentina at Peru sa Nobyembre 6-17.

Ayon kay lead surgeon Dr. Stefano Margaritora, kayang makabawi ng Papa bago ang biyahe, ngunit sinabi ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na maaaring kailangang dahan-dahan ang schedule ng Santo Papa depende sa kanyang kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here