Bulacan – Arestado ang 146 indibiduwal habang nasamsam ang P2,544,649.20 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) nitong Sabado ng hapon, Oktubre 17, ikinasa ng mga pulis ang 91 anti-illegal drug operations sa ibat-ibang lugar sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nasa 373.41 grams of suspected shabu at 45.51 grams ng suspected marijuana na may kabuuang standard drug price na P2,544,649.20.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong na sa mga istasyon o yunot na humuli sa kanila.
Sinasabing patuloy na paiigtingin ng BPPO ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga sa lalawigang ito. Dick Mirasol III