Manila, Philippines- Jericho Rosales returned to his roots.
Sa mga hindi nakakaalam, ang 44 anyos na ngayong Kapamilya aktor ay produkto ng Eat Bulaga.
Many years ago, Echo–who represented Marikina City–made it as winner of Mr. Pogi.
His victory in the search afforded him the chance na mapabilang sa pangtanghaling programa.
But bigger opportunities beckoned for Echo na later on ay nakilala’t sumikat sa ABS-CBN, hindi sa GMA kung saan umeere noon ang EB.
Kamakailan, Jericho found himself back on EB.
Ito’y para i-promote ang kanyang teleserye, ang Lavender Fields.
Among the EB hosts ay si Joey de Leon ang nakapansin sa laki ng ipinagbago ng katawan ng noo’y patpating Mr. Pogi winner.
“Ang taba mo na!” sabi ni Joey.
Pabirong sagot naman ni Echo: “Nakakakain na kasi!”
Sinamantala na rin ng aktor ang pagkakataong huminging sorry sa Eat Bulaga at mga original hosts nito.
What Echo meant was ay nag-iba na rin siyempre ang kanyang estado sa buhay.
“Lumayas kasi ako,” mapagkumbabang pag-amin ng isa sa mga EB baby noon.
For sure, never naging isyu sa TVJ ang pag-alis ni Jericho noon.
Bagkus ay masaya pa tiyak ang comic trio sa layo ng narating ng dating Marikina boy.
Oo nga naman, why hinder one’s success lalo’t kung deserve naman ni Jericho to realize his dream dahil mahusay siya, at hindi lang pogi? Ronnie Carrasco III