Home NATIONWIDE Economic activities sa M’danao pasisiglahin ng Panguil Bay Bridge

Economic activities sa M’danao pasisiglahin ng Panguil Bay Bridge

MANILA, Philippines- Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na magiging masigla na ang economic activities sa Mindanao sa tulong ng Panguil Bay Bridge.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na umabot ng dekada para maitayo ang tulay mula sa naging balak o plano pa lamang hanggang inagurasyon.

”I just said we waited for this for such a long time. If I had a peso for every time someone asks me when we will finish the Panguil Bay Bridge, I would already be able to fund a second bridge by now. But today, the waiting has ended,” ayon kay Pangulong Marcos.

”We all know that the increased economic activity is going to be an important development building block for both the provinces and the entire island of Mindanao,” dagdag na wika ng Chief Executive.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office, ang P8.03-billion Panguil Bay Bridge ang kinokonsiderang pinakamahabang sea-crossing bridge ng Mindanao na 3.1 kilometro.

Nagkokonekta ito sa Tangub City sa Misamis Occidental at bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.

Ang actual work ng disensyo at konstruksyon ng two-way, two-lane bridge na nagkokonekta sa Misamis Occidental at Lanao del Norte provinces ay nagsimula noong Pebrero 28, 2020 at nakumpleto ngayong buwan.

Sinasabing mababawasan ang land travel time sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte ng pitong minuto lamang mula sa mahigit dalawang oras.

Inaasahan ding maaayos ng Panguil Bay Bridge Project ang transport systems na nag-uugnay sa coastal areas ng rehiyon at mapabibilis ang 24/7 na pagkilos ng mga tao, kalakal at serbisyo, na inaasahang magtutulak ng paglago ng ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar. Kris Jose