Home NATIONWIDE PhilHealth fund transfer binatikos ng labor coalition

PhilHealth fund transfer binatikos ng labor coalition

MANILA, Philippines- Hiniling ng labor coalition sa Supreme Court (SC) na payagan silang mag-“intervene” sa petisyon laban sa paglilipat ng P89.9 bilyong excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa motion for intervention, sinabi ng NAGKAISA Labor Coalition at allied trade unions na ang paglilipat ng pondo ay “act of negative social justice.”

Base sa koalisyon, ang paglilipat “diverts resources away from those who are most in need, favoring loosely structured, flexible, and unprogrammed projects that are susceptible to corruption.” 

Inihain sa SC ang petisyong humihirit ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) at/o writ of preliminary injunction upang pigilan ang paglilipat ng pondo mula PhilHealth patungo sa national treasury, noong Agosto.

Hiniling din sa korte na ipawalang-bisa ang epekto ng Department of Finance (DOF) Circular 003-2024, at probisyon sa General Appropriations Act (GAA) 2024 na ginamit na basehan para sa DOF circular habang nakabinsin ang resolusyon ng kaso.

Giit ng NAGKAISA, sa P89.9 bilyon, P30 bilyon ang nailipat na sa national treasury.

“The workers and their families, who are the primary beneficiaries of PhilHealth, are at risk of losing the health benefits and services that these funds are intended to provide,” pahayag ni Atty. Sonny Matula, counsel para sa intervenors.

Noong Hulyo, dinipensahan ng DOF ang paggamit ng unused at idle funds ng government corporations, sinabing ito ay “more prudent” kumpara sa pangungutang o pagpapataw ng buwis. RNT/SA