MANILA, Philippines- Nangunguna sa mga tinamaan ng HIV o Human Immunodeficiency Virus sa bansa ang nasa edad 25 hanggang 34, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay DOH spokesperson Asec. Albert Domingo, ito ay magmula noong 2006 kumpara noong 2002-2005 na mas marami ang nagka-HIV na edad 35 hanggang 49.
Sa nakalipas na isang dekada, sinabi ni Dr. Domingo na mahigit doble na ang kaso sa bansa.
Dagdag pa, mula sa 21 kaso kada araw noong 2014, umabot na ito sa 48 noong 2024 na tumaas pa sa 56 bawat araw mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Pangunahing dahilan sa pagkalat ng sakit ang sexual contact ayon kay Domingo.
Pangunahing sanhi naman ng transmission o pagkakasakit ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki mula 2007. Jocelyn Tabangcura-Domenden