Home NATIONWIDE EDCA sites pagaganahin para sa relief ops – DND

EDCA sites pagaganahin para sa relief ops – DND

253
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa publiko na ang gobyerno ay fully engaged sa disaster response operations sa gitna ng patuloy na pananalasa ng monsoon rains na naging dahilan ng pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Si Teodoro, chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay nagpahayag na nananatili at patuloy ang kanyang komunikasyon sa NDRRMC at sa Office of Civil Defense (OCD) sa kabila ng siya ay nasa Estados Unidos bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Ako po’y binilinan constantly ng ating Presidente, bago pa man ako umalis, na bantayan maigi ang relief efforts, rescue efforts at iba pang coordinated responses ng ating gobyerno,” ang sinabi ng Kalihim.

Aniya pa, inatasan na niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipagtulungan sa US Indo-Pacific Command para paganahin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa para sa rescue and relief operations.

Nilagdaan noong 2014, ang EDCA ang nagbigay ng pahintulot para sa mga Filipino at American soldiers na magsanay nang magkasama at payagan ang Estados Unidos na magtayo ng pasilidad at mag-preposition ng supplies at equipment sa loob ng estratehikong lokasyon ng mga base sa bansa.

Sa kasalukuyan, mayroong siyam na EDCA sites sa bansa: ang Cesar Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga; Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija; Lumbia Airport sa Cagayan de Oro; Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, Palawan; Benito Ebuen Air Base sa Cebu; Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

“Nandiyan na rin po ang Japan at iba pang mga kaalyado natin,” ayon kay Teodoro.

“Dito po makikita ng ating taumbayan ang benepisyo ng pakikipag-ugnayan ng mga armed forces para makaligtas ang ating taumbayan laban sa mga hamon ng kalikasan,” aniya pa.

Sa kabilang dako, kinumpirma rin ni Teodoro na mayroon nang koordinasyon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian para matiyak na ang mga relief goods ay naka-preposition na sa mga vulnerable areas.

“Umasa po kayo na 24/7 nakatutok ang ating Pangulo,” anito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here