MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado ang pagpapalawig ng termino ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) hanggang 2027 sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1483 na naipasa ng 16-0-0, na siyang kauna-unahang measure ng 20th Congress na naipasa sa third reading.
Ayon kay EDCOM 2 co-chair Senator Loren Legarda, pangunahing may-akda ng panukala, ang extension ay kinikilala na ang komisyon “continues to move with full momentum, compelled by the understanding that significant work remains to be achieved to build the education system that the Filipino people deserve.”
Nakibahagi ang komisyon sa pagpasa ng 10 batas sa edukasyon noong 19th Congress at sumusuporta sa anim na priority measures sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa 20th Congress.
Pumabor sa extension ang DepEd, CHED, at TESDA. Ang EDCOM 2 ay itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 11899. RNT