Home NATIONWIDE EDCOM II extension, nakalusot sa Senado; learning gap, reporma tututukan

EDCOM II extension, nakalusot sa Senado; learning gap, reporma tututukan

190
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Senadora Loren Legarda ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12315, na nagpapalawig sa termino ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) ng karagdagang dalawang taon.

Bilang may-akda at pangunahing sponsor ng batas, binigyang-diin ni Legarda na ang pagpapalawig na ito ay nagbibigay ng katiyakan sa mandato ng Komisyon na ipagpatuloy ang masusing pagsusuri sa mga sistemikong kakulangan ng sektor ng edukasyon at ang pagsusulong ng mga kinakailangang reporma, na may mas matinding diin sa paghahatid ng kongkretong solusyon.

“As EDCOM II continues its work, we must be deliberate in strengthening our education system,” ang pahayag ng apat na termino nang senadora. “We will close the gaps, reinforce our institutions, and deliver the changes our learners and educators truly deserve.”

Mula nang ito’y likhain sa ilalim ng Republic Act No. 11899 noong 2022, nakapaglabas na ang EDCOM II ng mahahalagang ulat na naglantad ng mga kagyat na realidad sa mga paaralan sa bansa. Ang pinakahuli nitong ulat, Turning Point: A Decade of Necessary Reform (2026–2035), ay nananawagan sa sektor ng edukasyon na ipatupad ang mga estratehikong hakbang. Kabilang sa mga natuklasan: halos kalahati ng mga mag-aaral sa Grade 3 ay hindi marunong bumasa sa antas na naaayon sa kanilang baitang, 88% ng Grade 7 learners ay hindi handa sa pagbabasa, at mas mababa sa 1% ng Grade 12 students ang nakakaabot sa antas ng pagiging mahusay.

Ipinunto rin ng ulat ang mahihinang pundasyong pagkatuto, kakulangan sa pondo, hati-hating pamamahala, at malalalim na agwat sa pagitan ng mga paaralan sa lungsod at kanayunan. Nanatiling hindi tugma ang kurikulum sa mga industriyang may mataas na paglago gaya ng advanced manufacturing, turismo, at ICT, na nag-iiwan sa mga nagtapos na hindi handa sa pangangailangan ng merkado sa paggawa.

Upang tugunan ang mga hamong ito, inirekomenda ng EDCOM II ang mga reporma sa maagang pagbasa at pagbibilang, mas matibay na suporta para sa mga guro, nakatuong pamumuhunan sa mga last-mile schools, at mas pinasimpleng pamamahala upang matiyak na magtatagal ang mga reporma lampas sa mga siklo ng politika.

Si Legarda, na co-chair ng EDCOM II bilang pinuno ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, ay nagsabing ang mga natuklasan ay nangangailangan ng agarang aksyon.

“The evidence tells us exactly where the system is failing,” aniya. “We will make sure every reform we advance is evidence-based, targeted, and built to last.”

Nakapagsumite na si Legarda ng ilang panukalang batas na kaakibat ng mga rekomendasyon ng EDCOM II, kabilang ang SBN-1412 o ang Last Mile Schools Act; SBN-1894, na nag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act upang palakasin ang kahusayan, katarungan, at pananagutan ng Tertiary Education Subsidy Program; SBN-1427 o ang Higher Education Development and Innovation Act; at SBN-1413 o ang TESDA Modernization Act, bukod sa iba pa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here