Home METRO EDSA 40: Mga raliyista ‘di nakalusot sa Mendiola; bilang ng mga parak...

EDSA 40: Mga raliyista ‘di nakalusot sa Mendiola; bilang ng mga parak ‘overkill’

169
0

MANILA, Philippines – Hindi na nakapasok sa Mendiola ang mga raliyista na nagtangkang magsagawa ng programa matapos barikadahan ang bahagi ng Recto Avenue sa Maynila.

Sa kabila nito, nagtungo ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio kung saan nagtipon-tipon ang ilang grupo kasama ang mga kabataan. Sinita rin nila ang tila ‘overkill’ umano na bilang ng mga pulis na nagbabantay.

Ikinasa ang kaliwa’t kanang kilos-protesta kasabay ng paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa mga entrance at exit point patungong Mendiola upang hindi malusutan ng mga raliyista.

Matapos makapagsagawa ng maikling programa sa Liwasang Bonifacio ay tumulak sa EDSA ang mga raliyista para sa isang mapayapang demonstrasyon.

Matatandaang ang EDSA People Power Revolution noong 1986 ay nag-ugat sa pagpapatalsik sa diktaturya ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here