Home NATIONWIDE PBBM inaming may mga kinakausap na para sa 2028 elections

PBBM inaming may mga kinakausap na para sa 2028 elections

175
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakikipag-usap na siya sa ilang indibidwal at may mga nasa isip nang posibleng kandidato para sa 2028 presidential elections, ngunit sinabi niyang hindi pa ito ang tamang panahon para sa endorsement.

Sa kanyang pahayag sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum, sinabi ni Marcos na ang susunod na lider ay dapat nakatuon sa pamamahala at hindi sa pulitika.

“Somebody who understands economics, that’s the first thing, that’s the first thing,” ani Marcos.

“A person who knows how to create jobs, how to keep inflation rate down, who understands to make food supply a given, someone who thinks about productivity, because growth is about productivity,” dagdag niya.

Sinabi rin niyang dapat pagtuunan ng susunod na pangulo ang edukasyon, kalusugan, at food security.

“Somebody who is thinking not about politics, but how to make the country better,” ani Marcos.

“We need nation-builders. People who want to make the Philippines better. People who love the Philippines and the Filipinos,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni Marcos na may mga kinakausap na siyang posibleng kandidato.

“Well, we have some people we are talking to, in mind, many of them actually, some of them said no,” ani Marcos.

Dagdag niya, mahirap dalhin sa presidential level ang isang taong walang political background dahil sa kalikasan ng pulitika sa bansa. Sinabi rin niyang may mga “exceptional names” sa gobyerno ngunit tumangging magbigay ng detalye.

“Timing is everything, Rico,” ani Marcos nang tanungin tungkol sa endorsement.

Nauna nang inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028, habang tumanggi si Marcos na magkomento at sinabing, “That’s her choice.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here