Home HOME BANNER STORY EDSA busway ‘di tatanggalin – Bautista

EDSA busway ‘di tatanggalin – Bautista

MANILA, Philippines- Hindi aalisin ang EDSA Busway upang matugunan ang mga pribadong sasakyan na bumabagtas sa pangunahing lansangan na nagpapawi ng takot ng mga komyuter, sinabi ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, ang nakalaang lane para sa mga bus, na nagseserbisyo sa libo-libong commuter araw-araw, ay higit pang pagbuutihin sa tulong ng pribadong sektor sa pamamagitan ng pagsasapribado ng mga operasyon at pamamahala (O&M).

Sinabi ni Bautista na hindi aalisin ang EDSA Busway at nagkaroon na ng talakayan hinggil dito ngunit hindi ito matutuloy.

Upang higit pang suportahan ang pahayag laban sa pag-alis sa EDSA Busway, sinabi ni Bautista na ang feasibility study para sa pribatisasyon ng proyekto ay matatapos sa ilang buwan, na maaaring magbigay-daan para sa pagpapalawak nito.

Umaasa siya na ang O&M para sa mga operasyon ng EDSA Busway ay maibibigay sa pagtatapos ng 2026.

Binaigyang-diin ni Bautista na kahit ang point-to-point buses (P2P) at airport express buses ay pinapayagan nang dumaan sa EDSA Busway na ruta upang makatulong na maibsan ang pagsisikip sa pinakaabalang lansangan sa bansa, na nagpapakita ng kahusayan nito.

Nauna rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na pinag-iisipan ng gobyerno ang ideya na tanggalin ang EDSA Busway para tutukan ang pag-upgrade ng Metro Rail Transit (MRT-3) para makapag-accommodate ng mas maraming pasahero.

Itinanggi ng transport chief ang mga ulat na ang EDSA Busway ay may overlapping function sa MRT-3 system.

Paliwanag ni Artes, nagsisilbi ang bus lane sa mga komyuter mula Caloocan City hanggang Paranaque Intergrated terminal Exchange (PITX) sa Paranaque City habang ang MRT-3 rail line ay nagsisilbi lamang sa mga komyuter mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue. Jocelyn Tabangcura-Domenden