Home HOME BANNER STORY EDSA Busway pinaka-epektibong public transport – DOTr

EDSA Busway pinaka-epektibong public transport – DOTr

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Transportation (DOTr) ang EDSA Busway, na tinawag nitong “pinaka-epektibong pampublikong transportasyon sa kalsada sa Metro Manila.”

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, mahigit 63 milyong pasahero ang nagsakay ng EDSA Busway noong 2024, at umabot na sa 5.5 milyon ang bilang ng mga sumakay nitong Enero 2025, na may average na 177,000 kada araw.

Ipinunto naman ni Bautista na may 23 istasyon ang busway na bukas 24/7, kaya’t nagbibigay ito ng ligtas at maaasahang transportasyon sa mga commuter.

Kasalukuyang may feasibility study ang pribadong sektor upang pag-aralan ang posibleng pagpapabuti ng sistema nang hindi lumalala ang trapiko.

Dagdag pa ni Bautista, kailangan pang pag-aralan ang panukalang pagbukas ng bike lanes sa mga motorsiklo.

Ang komento ng DOTr ay kasunod ng sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na pinag-aaralan nila ang posibleng pagtanggal ng EDSA Busway upang palawakin ang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Gayunman, nilinaw niyang hindi ito ipatutupad hangga’t hindi pa nadaragdagan ang bilang ng mga tren at nababawasan ang waiting time ng MRT-3 upang kaya nitong maserbisyuhan ang mga commuter ng busway.