Home HOME BANNER STORY PH embassy sa Japan nagbabala sa Pinoys sa paglobo ng influenza cases

PH embassy sa Japan nagbabala sa Pinoys sa paglobo ng influenza cases

Nagbabala ang Philippine Embassy sa Japan sa mga Pilipinong naninirahan at bumibiyahe sa bansa kaugnay ng tumataas na kaso ng influenza cases.

Pinayuhan din ang mga Pilipino sa Japan na magsuot ng face mask, lalo na sa matataong lugar at pampublikong transportasyon, upang maprotektahan ang sarili laban sa virus. Ang mga biyahero naman ay pinayuhang kumuha ng travel insurance para sa hindi inaasahang gastusing medikal.

Pinaalalahanan din ang mga Pilipino na manatiling updated sa mga pampublikong abiso at manatili sa bahay kung may sintomas ng trangkaso.

Sa mga emerhensiya, maaaring tawagan ang Philippine Embassy sa Tokyo sa 080-4928-7979, ang Consulate General sa Osaka sa 090-4036-7984, o ang Consulate General sa Nagoya sa 090-6580-6724. RNT