Home NATIONWIDE Rep. Sandro nanguna sa paglagda sa impeachment vs VP Sara

Rep. Sandro nanguna sa paglagda sa impeachment vs VP Sara

MANILA, Philippines – Pinangunahin ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, anak ng pangulo, ang mahigit 200 kongresista sa pag-apruba ng ika-apat na reklamo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakalikom na ng sapat na pirma ang reklamo para direktang ipadala ito sa Senado. Kung matutuloy ang proseso, magiging kauna-unahang Vice President sa kasaysayan ng bansa na ma-impeach ng Kamara.

Kinakailangan lamang ang isang-katlo ng 306 miyembro ng Kamara para maipasa ito, at ito ay nalagpasan pa.

Pagkatapos, magpupulong ang 23-miyembrong Senado bilang impeachment trial court upang magpasya kung may sala o wala si Vice President Duterte batay sa mga artikulo ng impeachment na nakasaad sa reklamo.

Sa pag-abot ng impeachment sa Senado, hindi naman ito pinag-usapan nitong Martes.

Si Representative Sandro Marcos ay nagsisilbing senior deputy majority leader sa Kamara.