Home ENTERTAINMENT Edu, may pasaring sa baha!

Edu, may pasaring sa baha!

1
0

Manila, Philippines – Unstoppable.

Tulad ng inaasaha’y aktibo si Edu Manzano sa gitna ng mga kaganapan sa ating paligid, lalo na ang mga nagdaang mapaminsalang bagyo.

Post ng aktor sa kanyang Facebook page: “Dati pag may bagyo, halos lahat ng baha, nasa TV.

“Ngayon, sa social media na natin nakikita ang mga kalsadang lubog at mga taong hanggang tuhod ang tubig.

“Napapaisip tuloy ako…bakit?

“Sa gitna ng napakalaking isyu ng ghost at questionable flood control projects, bakit nawala na naman ang atensyon dito?

“Bakit puro sa impeachment lang nakatuon ang gobyerno at hindi pati sa mas malawak na korapsyon sa flood control? Lagpas isang taon na.

“Puro kuwento pa rin at pangako.

“Ito ba ay dahil sa mga personalidad na sangkot sa korapsyon sa flood control ay mga tao rin na may impluwensya o may pagmamay-ari ng mga media company?

“Kaya ba tahimik ang mga dating bumabatikos sa baha?

“Follow the water. Follow the money. Ask WHY.”

Nag-good morning din si Edu sa mga nakinabang sa flood control: “Sana dry kayo, kumportable at enjoy na enjoy sa perang hindi naman sa inyo. Kami na po ang bahalang lumangoy. #NoColor #neverforget.”

Marami nga namang lugar ang apektado ng malawakang baha.

Natural, relate much kay Edu ang mga sinalanta.

Dinagsa ng mga positive comments ang relatable post ni Edu.

Real talk nga naman, sad truth na nakakabuwisit!

Anofangavah?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here