Home NATIONWIDE Eksperto, nanawagan ng mas suportadong workplace policy para sa mga may diabetes

Eksperto, nanawagan ng mas suportadong workplace policy para sa mga may diabetes

273
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Diabetes Day ngayong taon, nanawagan ang Philippine College of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PCEDM), kasama ang mga kaalyadong medical societies, patient advocates, policymakers, mga yunit ng gobyerno, at pharmaceutical partners para sa mas malakas na kolaborasyon sa iba’t ibang sektor upang magpatupad ng komprehensibong suporta sa mga lugar ng trabaho para sa mga Pilipinong may diabetes.

Ang Type 2 diabetes ay isa sa mga pangunahing hamon sa kalusugan ng publiko sa Pilipinas, dahil ito ang ikalimang pangunahing sanhi ng pagkamatay, at nakakaapekto sa 8.1% ng mga adults, o halos 5.5 milyong adult Filipinos. Higit pa sa pisikal na epekto ng pagkakaroon ng diabetes, marami sa kanila ang nakakaranas ng stigma at kakulangan sa suporta sa trabaho, kaya’t napakahalaga ng mas malawak na kamalayan at inklusibong mga patakaran.

Upang paigtingin ang kaalaman tungkol sa mga isyung ito, nagtipon ang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang sektor at bumuo ng Blue Circle—ang pandaigdigang simbolo ng diabetes na nilikha ng International Diabetes Federation (IDF)—sa Rizal Park bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa milyun-milyong may diabetes.

“This year, as we focus on diabetes and well-being, with special attention on those in the workplace, we want to emphasize that diabetes need not be a crippling nor disabling disease,” sabi ni Dr. Lora May T. Tin Hay, Pangulo ng PCEDM.

Dagdag pa niya, sa tamang paggamot, maaaring magpatuloy ang mga taong may diabetes na mabuhay nang masaya. Ang pagpili ng isang malusog at may malasakit na pamumuhay ay nagsisimula sa sarili, ngunit ang suporta mula sa mga nakapaligid sa kanila—pamilya, mga kasamahan, paaralan, at maging ang barangay—ay nakatutulong sa kanila upang makamit ang magandang kontrol sa asukal sa dugo at maiwasan ang mga komplikasyon ng diabetes.

Binanggit ni Dr. Tin Hay na ang diabetes ay maaaring makaapekto sa kahit sino, kabilang ang mga kabataan, mga nasa gitnang edad, at matatanda.

Binigyang diin niya na ang mga layuning ito ay hindi lamang mahalaga para sa kanilang mga sarili kundi dahil nagdudulot sila ng malalaking benepisyo sa ekonomiya. Ang pag kontrol ng diabetes at mga komplikasyon nito ay nakakabawas sa gastos sa gamot para sa mga indibidwal at para sa bansa,
habang ang mga mas malulusog na tao ay mas produktibo, hindi madalas mag-absent sa trabaho, at hindi na kailangan ng madalas na pagpapagamot sa ospital.

Ayon kay Dr. Tin Hay, ang inclusive workplace ay hindi lamang para sa mga empleyadong may diabetes kundi makakatulong din sa pagpapabuti ng kanilang pagkilos mas kaunting absence, at pangkalahatang kalusugan.

Idinagdag pa niya na ang paglikha ng mga supportive na kapaligiran sa trabaho ay maaaring magdulot ng malaki sa pamamahala ng diabetes at makakatulong upang maiwasan ang mga komplikasyong tulad ng stroke, sakit sa puso, at kidney failure.

Kasabay nito, iginiit ng PCEDM na habang mahalaga ang sama-samang aksyon, kung saan dapat gumawa ang lahat ng mga hakbang upang bantayan ang kanilang kalusugan. Sa pamamagitan ng I.W.A.S. strategy o Involve your doctor, Work on mindful eating, Adopt an active lifestyle, at take Safe and appropriate medications — mas mabuti nang mababantayan ng mga taong may diabetes ang kanilang kondisyon at maiwasan ang paglala nito.

Habang patuloy na tinutugunan ng bansa ang lumalaking pasanin ng diabetes, muling binigyang-diin ng PCEDM ang kanilang dedikasyon sa pagpapalaganap ng kamalayan, mga patakaran, at mga programa na nagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino upang mas mabuting pamahalaan ang kanilang kondisyon. Binibigyang-diin ng organisasyon na ang pagtugon sa diabetes ay nangangailangan ng kolaborasyon mula sa lahat ng sektor, mula sa mga policymaker, employer, komunidad, at sektor ng pangangalagang pangkalusugan.

Naging posible ang World Diabetes Day ng PCEDM sa suporta mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong mga partner na committed sa pagpapabuti ng pangangalaga sa diabetes: ang World Health Organization, ang Department of Health, corporate partner San Miguel Corporation, biopharma company Sanofi Philippines, media partner The Manila Times, at iba pang mga organisasyon, kabilang ang iba’t ibang medical societies, pharmaceutical companies, patient advocates, at kabataan. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here