Home NATIONWIDE Election complaint vs NTF-ELCAC chief isinampa ng Makabayan bloc

Election complaint vs NTF-ELCAC chief isinampa ng Makabayan bloc

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo ang Makabayan bloc sa Commission on Elections (Comelec) laban kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Ernesto Torres Jr. dahil sa umano’y red-tagging sa mga progresibong mambabatas, na labag sa anti-discrimination provisions ng Comelec Resolution 11116.

Ayon kay Liza Maza, pangulo ng koalisyon at tumatakbong senador, si Torres umano mismo ang “nag-red tag” kay Rep. Arlene Brosas, na nagdulot ng mga banta at pananakot.

“Malinaw na ginagamit ni Mr. Torres ang pondo ng gobyerno… para mapakitid ang demokrasya at i-discriminate kami bilang mga aktibistang kumakandidato,” dagdag ni Maza.

Umapela ang grupo sa Comelec na agad itong imbestigahan at pigilan ang red-tagging. Nauna na ring nagsampa ng kaparehong reklamo ang ACT Teachers at Gabriela Women’s Party.

Itinuturing na election offense sa ilalim ng Comelec Resolution 11116 ang red-tagging at diskriminasyon. RNT