MANILA, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang lugar sa bansa na may seryosong armandong pagbabanta at kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa halalan.
Ngayong Miyerkules, Marso 19, batay sa summary o listahan ng election areas of concern na ibinahagi ni Comelec Chairman George Garcia, nasa red category ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao O BARMM partikular sa ilang bahagi ng Lanao del Sur, Lanao del Norte at Maguindanao.
Sa orange category, mayroon din iniulat sa BARMM partikular sa bahagi ng Lanao del Sur, Masbate, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte,Maguindanao del Sur, Isabela.
Karamihan din na nasa yellow category ang ilang lugar pa rin sa BARMM, Maguindanao del Sur, Cagayan, Camarines Sur,Negros Oriental, Zamboanga Sibugay, Basilan.
Naitala naman sa ilalim ng green category ang ilang lugar sa Cagayan sa Region 2, Camarines Sur, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Basiln at Surigao del Sur.
Maalala na una nang sinabi ni Garcia noong Enero 2025 na 403 lugar na sa buong bansa ang natukoy na nasa hospot o areas of concern para sa Midterm elections.
38 na lugar ang nasa red category,177 ang nasa ilalim ng orange category na may malubhang armadong pagbabanta at 188 sa ilalim ng yellow category. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)