Home METRO Election leader ng nanalong mayor ng Naic, Cavite patay sa pamamaril

Election leader ng nanalong mayor ng Naic, Cavite patay sa pamamaril

286
0

MANILA, Philippines- Isang lider ng nanalong mayor nitong nagdaang national ang local elections ang namatay makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Ayon sa nakalap na report, kinilala ang biktima na naisugod pa sa San Lorenzo Hospital na si Shackie Denajiba, 40-anyos na residente ng  Cuidad Nuevo ng nasabing lugar.

Base sa ginawang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa nasabing barangay kung saan pababa sa kanyang sasakyan ang biktima nang lapitan siya ng mga suspek at pinagbabaril ng hindi nabatid na kalibre ng baril. 

Napag-alaman na naging election leader nitong nakaraang eleksyon ng nanalong alkalde ng bayan ng Naic na si Rommel Magbitang ang biktima.

Batay sa ulat, nakasuot ng kulay asul na jacket, maong pants, gray shirt at puting cap ang mga suspek nang isagawa ang krimen.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay itim na scooter at tinungo ang direksyon ng Trece Martires City habang ang biktima ay isinugod sa ospital. 

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa mga suspek habang tinitingnan ang CCTV footage sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here