Home METRO Election officer itinumba sa Sultan Kudarat

Election officer itinumba sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – Patay ang isang empleyado ng Commission on Elections (Comelec) matapos pagbabarilin sa Barangay Poblacion sa President Quirino, Sultan Kudarat nitong Sabado, Nobyembre 23, iniulat ng Police Regional Office 12 nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Nico Dionaldo Pandoy, 31-anyos, Assistant COMELEC officer ng Isulan.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na pauwi na si Pandoy bandang alas-4 ng hapon ng Sabado mula sa isang barbershop sakay ng kanyang scooter nang buntutan ito ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo.

Dito na pinagbabaril ng ilang beses sa ulo ang biktima.

Tumakas ang mga gunman patungo sa direksyon ng Buluan, Maguindanao del Sur.

Agad na dinala si Pandoy sa Immaculate Conception Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang anim na cartridge cases mula sa hindi pa matukoy na armas. Isasailalim pa ito sa ballistic examination.

“All personnel and checkpoints were alerted while nearby Police Stations and friendly forces were immediately informed of the dragnet operation for possible identification and apprehension of the suspects,” ayon sa pulisya. RNT/JGC