Home NATIONWIDE Electrical issues pangunahing sanhi ng sunog – BFP data

Electrical issues pangunahing sanhi ng sunog – BFP data

MANILA, Philippines – Electrical issues ang karamihan sa mga sanhi ng sunog na iniulat mula Enero ngayong taon, batay sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Mula Enero 1 hanggang Pebrero 27, sinabi ng BFP na naitala ang kabuuang 2,307 fire incidents at 625 sa mga ito ang sanhi ng electrical issues.

Ganito rin ang pangunahing sanhi ng sunog sa kaparehong panahon noong nakaraang taon sa 1,181 kaso.

Bukod sa electrical issues, karaniwang sanhi din ng mga sunog ngayong taon ay ang:

open flame – 398
embers and sparks – 158
motor vehicular – 52
natural – 43
spontaneous combustion – 30
explosion – 21
fireworks and pyrotechnics – 16

Mayroon namang 74 nasawi dahil sa mga sunog, kabilang ang 70 sibilyan at apat na miyembro ng law enforcement agencies.

Samantala, kabuuang 209 katao ang nasaktan, kabilang ang 190 sibilyan, 12 bumbero ng BFP, limang miyembro ng law enforcement agencies, at dalawang volunteer.

Sa kabila ng ulat ng mga sunog, bumaba ng 38% ang insidente ng sunog mula Enero 1 hanggang Pebrero 27, 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong 2024. RNT/JGC