Home HOME BANNER STORY P1.2B gumuhong tulay sa Isabela, bagong gawa – DPWH

P1.2B gumuhong tulay sa Isabela, bagong gawa – DPWH

MANILA, Philippines – Kabubukas pa lang ngayong buwan at nagkakahalaga ng P1.225 bilyon ang gumuhong Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 27, ayon sa Department of Public Works and Highways-Cagayan Valley ngayong Biyernes, Pebrero 28.

Sinabi ng DPWH Cagayan Valley na ang konstruksyon ng tulay ay nagsimula noong Nobyembre 2014 at nakumpleto noong Pebrero 1, 2025 sa halagang P1.225 bilyon.

May kabuuang haba ang tulay na 990m at binubuo ng 12 Arch Bridge na may habang 60m at 9 spans ng Pre-Stressed Concrete Girder (PSCG) Type IVB at may kabuuang haba ng approaches na 664.10 ln. m.

Dagdag ng ahensya, ang contractor ng tulay ay ang R.D. Interior, Jr. Construction.

Matatandaan na nitong Huwebes ay bumigay ang tulay matapos dumaan ang isang dump truck na may tinatayang bigat na 102 tonelada.

Nadamay sa pagguho ang apat na sasakyan.

“Further analysis on the cause of failure is still on-going and DPWH Region 2 has requested experts from the Bureau of Design and Bureau of Construction in the Central Office to conduct further evaluation and assessment,” anang DPWH. RNT/JGC