Home ENTERTAINMENT Elias, hindi binilang ni Derek sa kanyang mga ‘babies’?

Elias, hindi binilang ni Derek sa kanyang mga ‘babies’?

239
0

Manila, Philippines- Nakakatawa ang facial expressions ni Derek Ramsay sa post nito sa Instagram kamakailan lang.

Pinakita kasi sa video na nilalagyan ni Derek ng sunblock si Ellen Adarna at nakangiti ng bonggang bongga. At may caption lang naman ng, ‘baby number 2!’

At nag-comment naman si Ellen ng, “Lol No.”

May kakaiba talagang karisma ang pagsasama nila Elen at Derek.

Nu’ng nag-uumpisa pa lang ang relasyon nila ay madami na ang nanghuhula na maghihiwalay din kagad ang dalawa pero umabot na rin ang kanilang relasyon ng apat na taon at halatang masaya pa rin sila at going strong pa din.

Mukha namang walang pagbabago sa harutan nila.

Naalala tuloy ni Yours Truly ang tanong namin Kay Derek sa isang preskon.

Simple lang naman ang tanong: Kung may love scenes ba sa kanyang mga pelikulang ginawa ay nagkakaroon ba siya ng mind masterbation?

Na ikinahalakhak ni Derek.

At sinagot naman niya ng pinaghahandaan at pinag-aaralan naman daw niya ang bawat eksena bago niya gawin.

Napakagaling kasi ni Derek sa bawat love scenes na ginagawa niya sa true lang.

Paano pa kaya sa true life?

Well, ask nalang natin si Adarna, insert smiley.

Pero back to the IG post, mukhang hindi nagtagumpay si Derek sa pagpaparinig nito kay Ellen dahil nga ang naging sagot ni Elen ay “No.”

Madami namang netizens na nag-react at may mga kinilig pa at sinabing, “Go go go!”

“When you find your match talaga, being happy is effortless.”

At may mga nag-request pa na wag lang number 2, dapat daw ay damihan pa dahil maganda at gwapo naman daw sila.

May nakapansin din na bakit daw baby number 2 at hindi naisama sa bilang si Elias na anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Hindi raw ba part ng family si Elias?

Kasi naman po si Elias ay anak ng magaling na actor na si John Lloyd kay Ellen.

At si Lili naman ang anak ng gwapong actor na si Derek kay Ellen.

Kaya tama lang na baby number 2 ang hilingin ni Derek pero take note, mahal at inaalagaan din ng aktor si Elias devah naman Elen Adarna.

Sana lang dumating din ang panahon na makahanap din si John Lloyd ng perfect match niya para maging effortless din ang pagiging masaya nito dahil deserve din naman niya ang maging masaya dahil mabuting ama at anak si JLC sa true lang. Mercy Lejarde

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here