Home ENTERTAINMENT Elijah at Miles, sobrang sweet, nagkabalikan?

Elijah at Miles, sobrang sweet, nagkabalikan?

Manila, Philippines – Masayang naidaos ni Erickson Raymundo ang kanyang nagdaang kaarawan sa Bale, Pampanga.

Si Erickson ang nasa likod ng talent management office na Cornerstone Entertainment which boasts of a growing list of artists.

Sayang nga lang, Cornerstone would have supposedly been Bimby Aquino’s management office had there been no change in plans sa pag-uwi nito sa bansa mula sa Amerika para mag-focus sa kanyang showbiz career.

For a start kasi, pa-comme-commercial endorsements muna ang bunsong anak ni Kris Aquino.

Matatandaang “forced to work” si Bimby to help his mom cope with the mounting medical bills sa pagpapagamot nito sa US.

Anyway, isa sa mga bisita ni Erickson who graced his birthday ay sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Ayon sa mga llang present din sa okasyon, walang moment during the entire weekend na hindi magkasama ang former(?) couple.

Hindi lang daw basta inseparable ang dalawa, panay lambingan pa rin!

May duda nga ang mga kaibigan nila doon na positive na nagkabalikan sina Elijah at Miles base na rin sa kanilang mga ikinikilos.

Matatandaang  nagkahiwalay ang dalawa last year.

Their breakup, however, was not as circus-like as the other showbiz separations kundi tahimik lang.

Walang siraan, no mudslinging.

Ang maganda pa sa kaso nina Elijah at Miles, hindi nila isinasara ang posibilidad that things between them would turn out better again.

So, isang tanong, isang sagot: nagkabalikan na ba kayo, Elijah at Miles? Ronnie Carrasco III