Home NATIONWIDE Luzon, Visayas grids isinailalim sa yellow alert

Luzon, Visayas grids isinailalim sa yellow alert

MANILA, Philippines- Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines nitong Martes ang Luzon at Visayas grids sa yellow alert.

Sa abiso, sinabi ng NGCP na isasailalim ang Luzon grid sa yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Sinabi nito na 18 power plants ang nasa forced outage, habang dalawa ang patuloy ang operasyon sa derated capacities, para sa kabuuang 1,518.9MW na unavailable sa grid.

Ang Luzon grid ay may available capacity na 14,799 megawatts (MW) kumpara sa inaasahang peak demand na 13,690 MW.

Samantala, iiral naman ang yellow alert sa Visayas grid mula ala-1 hanggang alas-8 ng gabi.

Mayroon itong available capacity na 2,742 MW kumpara sa inaasahang peak demand na 2,571 MW.

Sinabi ng NGCP na 20 power plants ang nasa forced outage, habang siyam ang nag-ooperate sa derated capacities, para sa kabuuang 604.4MW na unavailable sa grid.

Inilalabas ang yellow alert kapag ang operating margin ay kulang upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/SA