Home NATIONWIDE Elon Musk aalis na sa US gov’t

Elon Musk aalis na sa US gov’t

276
0

USA – Inanunsyo ni Elon Musk na aalis na siya sa kanyang tungkulin bilang tagapayo kay Pangulong Donald Trump, at nagpasalamat sa oportunidad na makatulong sa pagbabawas ng sayang sa gobyerno.

Ayon kay Musk, ipagpapatuloy ang misyon ng Department of Government Efficiency (DOGE).

Pinuri naman ni US House Speaker Mike Johnson si Musk at ang DOGE sa pagtuklas ng mga abusong gastusin, at nangakong magpapatuloy ang pagbabawas ng paggastos.

Balak ni Musk na ituon ang pansin sa kanyang mga kumpanya tulad ng Tesla at SpaceX at babawasan na ang paglahok sa pulitika dahil “sapat na ang nagawa niya.”

Pinuna rin ni Musk ang “One, Big, Beautiful Bill Act” ni Trump dahil ito raw ay nagpapataas ng federal deficit, ngunit ipinaliwanag din niya na may mga bahagi siyang ikinatuwa sa batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here