Home ENTERTAINMENT Emma Cordero, naaksidente sa Japan!

Emma Cordero, naaksidente sa Japan!

410
0

Fukuoka, Japan — Isang araw matapos ang World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) 2025 noong October 8, 2025 sa New Otani Hotel ay nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang Asia’s Princess of Songs na si Emma Cordero.

FYI, si Emcor (as her friends call her) ang chairman at founder ng WCEJA, na ngayon ay nasa ika-9 na taon na.

Si Emma ay tinanghal din bilang Woman of the Universe ng MRS Universe noong 2016.

Isang hapon ’yon, habang naglalakad at nakikipagkuwentuhan si Emcor sa ilang honorees at awardees ng WCEJA 2025 sa sidewalk ng isang secondary road sa Fukuoka, biglang may mabilis na rumaragasang mountain bike na deretsong sumalpok sa OPM recording artist.

Deretsong tinamaan sa kanyang balakang si Emcor at tumilapon siya sa kalsada, halos dalawang metro ang layo.

Nabagok ang ulo ni Emcor sa semento at nagtamo siya ng mga gasgas sa kamay, braso, at tuhod — na mas naging malala pa sana kung hindi lang pumagitna ang malaking kahon ng gatas na hawak niya.

Ito ang nagsilbing cushion sa pagitan ng matigas na semento at ng kanyang ulo.

Nakaladkad ang buong katawan ni Emcor.

“Sa totoo lang, nag-blackout ako at nahilo, nanginginig ang katawan ko dahil sa pagkabagsak at pagkabigla. Hindi ko rin naigalaw agad ang katawan ko para tumayo sa lakas ng impact ng pagkakabangga sa akin,” sabi pa niya.

Para maitabi sa gitna ng kalsada si Emma kung saan siya tumalsik, may isang Hapon na nakakita at unang lumapit upang tulungan siya.

Tumulong din ang kasama nilang vlogger na si KaCoffee.

May mga police officers naman ng Fukuoka na agad na rumesponde upang tumulong kay Emcor.

As of press time, dinala si Emcor sa ospital para ma-CT scan upang masiguro na walang masamang nangyari sa kanyang ulo.

Hangad ng Remate Online na nasa mabuting kalagayan at hindi magkaroon ng grabeng pinsala sa pagkakabagok ng ulo ang sikat na recording artist at philanthropist na si Emma Cordero. — JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here