MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga Filipino na may trabaho o kabuhayan ng mahigit isang milyon sa datos noong Marso.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng mga nagtatrabaho sa agriculture sector maging sa election-related ban on hiring sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, ang mga may trabahong indibidwal edad 15 at pataas ay bumaba ng nasa 1.13 milyon o 48.02 milyon mula 49.15 milyon sa ikatlong buwan ng 2024.
Month-on-month, bumaba rin ang mga may trabaho at kabuhayan ng 1.13 milyon mula sa 49.15 milyon noong Pebrero 2025.
Ani Mapa, dalawang salik ng pagbaba sa employed individuals ay ang agriculture and forestry at public administration and defense, compulsory social security sectors.
Partikular na nakita ng ahensya ang pagbaba sa agriculture and forestry sector ng 609,000 workers, habang nakapagtala rin ng pagbaba na 394,000 manggagawa ang nasa public administration at defense, compulsory social security sector.
“For public administration and defense, compulsory social security… these are employees in government [so] we feel this was affected by the election ban,” ani Mapa.
Ngayong election period, ang hiring at promotion ng mga manggagawa sa pamahalaan ay suspendido mula Marso 28 hanggang Mayo 11, 2025.
Ang iba pang sektor na nakapagtala ng mataas na annual decrease sa employed individuals ay ang sumusunod:
Manufacturing – 281,000
Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles – 175,000
Professional, scientific and technical activities – 100,000
Nakita rin ang kapansin-pansin na month-on-month drop ng 473,000 employed people sa construction sector.
Posible naman aniya na ito ay dahil sa paghinto ng konstruksyon ng mga gusali.
Samantala, ang bilang ng unemployed persons ay bahagyang bumaba sa 1.93 milyon noong Marso mula sa 1.94 milyon noong Pebrero.
Pagdating naman sa year-on-year, lumago ito ng 69,000 mula sa dalawang milyon noong Marso 2024. RNT/JGC