MANILA, Philippines – Tumaas ng bahagya ang total outstanding debt ng pamahalaan noong Marso, habang ang external borrowings ay bumaba, iniulat ng Bureau of the Treasury nitong Miyerkules, Mayo 7.
Ang utang ng bansa ay umakyat ng 0.31 percent month-on-month sa P16.68 trilyon.
Katumbas ito ng P11.38 trillion na domestic debt, o sumasalamin sa 1.39 percent na pagtaas.
Samantala, nasa P5.30 trilyon naman ang foreign debt sa pagtatapos ng Marso, o pagbaba ng 1.92 percent. RNT/JGC