Home ENTERTAINMENT Enhypen naglabas ng bagong single!

Enhypen naglabas ng bagong single!

SOUTH KOREA – Naglabas ng bagong digital single ang K-pop group na ENHYPEN!

Ngayong Biyernes, April 4, ay mapapakinggan na ang kanilang single na “Loose” sa lahat ng streaming platforms.

Tampok sa naturang awitin ang kwento patungkol sa natatagong tensyon sa pagitan ng dalawang tao.

Ang bagong single ay inilabas mahigit dalawang linggo bago ang kanilang 2025 Coachella performance sa April 12 at 19. RNT/JGC