MANILA, Philippines- Naghain si Police Captain Erik Felipe ng cyber libel case laban kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group – Strike Force head Gabriel Go, na sumita sa kanya sa isang clearing operation sa Quezon City.
Nahuli ang engkwentro nina Felipe at sa isang viral video na ini-upload ng MMDA official.
Sa ulat, nakatanggap din ang isang vlogger ng cyber libel charges.
Nagtagal si Felipe, kasama ang iba pang QC
police district police, ng dalawang oras sa opisina ng QC prosecutor.
Bilang tugon sa paghingi ng paumanhin ni Go, sinabi ni Felipe na napatawad na niya ang MMDA official subalit itutulong ang kaso dahil naapektuhan umano siya sa nangyari, kung saan nakaranas umano ito ng stress nang mag-viral ang video sa social media.
“It is my personal decision to file a case for posting edited and spliced videos online na medyo nakasira ng ating pagkatao,” wika ni Felipe.
Pinasalamatan din ng pulis ang mga sumuporta sa kanya.
Nauna nang sinabi ni Go na handa niyang harapin ang kasong ihahain laban sa kanya.
Noong nakaraang linggo, tiniketan ng MMDA official si Felipe para sa mga motorsiklong nakaparada sa sidewalk sa harap ng isang police station sa Quezon City.
Humingi ng paumanhin si Felipe kayto Go subalit hindi umano nagustuhan ng huli ang pagkakasabi ng una. RNT/SA