Home ENTERTAINMENT Enrique problemado, walang ganang magtrabaho!

Enrique problemado, walang ganang magtrabaho!

Manila, Philippines – Mukhang ang balitang breakup nila ni Liza Soberano has taken a heavy toll on Enrique Gil.

May pahiwatig kasi siya sa ABS-CBN na meron siyang pinagdaraanan sa ngayon.

Could this be about Liza?

Matatandaang nitong April 25 ay nag-renew pa ang aktor ng kanyang kontrata sa istasyon.

Isinama pa niya ang fur baby nila ni Liza.

Two months have passed, pero nakapagtatakang wala man lang nababalitang may nasimulan, let alone natapos na proyekto si Quen: mapa-series o pelikula.

Ayon sa isang source, nag-beg off daw muna si Enrique at magpapasabi na lang daw kung kelan siya handang magtrabaho uli.

Pinanghihinayangan tuloy ang kinahinatnan ng loveteam nila ni Liza.

Kung hindi raw sana nagdesisyong kumalas si Liza sa kanilang tambalan, maayos pa ang takbo ng career ng nobyo.

It appears kasi na si Enrique lang ang nakatengga samantalang may pinagkakaabalahan si Liza sa US.

Kung ganito ang nangyayari, maraming nagmamalasakit kay Quen ang nagpapayong he should get his act together.

Tanggapin na raw niya ang katotohanang nabuwag na ang tambalang LizQuen na si Liza na rin ang may gawa.

It’s about time Quen realized he should stand on his own at huwag nang iasa ang kanyang kapalaran kay Liza.

What is there daw ba to be sentimental about?

Sabi nga ni Cristy Fermin tungkol sa nabantilawang career ni Enrique: “Para siyang nilagang talong…may parteng luto, may parteng hilaw!” Ronnie Carrasco III