Home ENTERTAINMENT Ellen, nagsalita na sa sustento ni Lloydie kay Elias!

Ellen, nagsalita na sa sustento ni Lloydie kay Elias!

Manila, Philippines – Dahil sa walang patlang na pangungulit ng kanyang mga social media followers ay ibinunyag na rin ni Ellen Adarna kung magkano ang buwanang sustentong ibinibigay ni John Lloyd Cruz sa anak nilang si Elias.

Ibinuking na nga ng semi-retired Cebuana actress ang monthly support ni Lloydie sa “Ask me a question” sa kanyang Instagram Story.

Ito’y yaman din lamang daw na she’s getting the same question over and over again.

Ani Ellen, ipinakuwenta raw sa kanya ni JLC kung magkano ang inaabot ng mga basic needs ni Elias.

Elias’s mom arrived at the figures: P10k max para lang sa mga simpleng pangangailangan nito.

For his part, hindi eksakto ang ibinigay ni John Lloyd dahil ginawa raw niya itong doble, as in P20k.

Ani Ellen: “I know he can afford to give more but that’s okay. I told him that anything more than that, I won’t accept.”

May ibinigay na katwiran si Ellen kung bakit she wouldn’t and couldn’t accept more than P20,000.

Malinaw raw naman kasi na co-parenting ang setup nila ni Lloydie as far as raising Elias is concerned.

Besides, hindi pa naman daw nag-aaral si Elias.

Talagang basic needs lang nito ang pinagbasehan niya.

At least, malayung- malayo sa ilang celebrity dads si John Lloyd na kinalimutan nang gampanan ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.

Ano kaya ang masasabi ng isang aktor diyan na may means naman para suportahan ang anak, pero waley? Ronnie Carrasco III