MANILA, Philippines – Patuloy ang paglalaan ng Mental Health and Psychosocial Support Services o MHPSS sa iba’t evacuation sites sa Albay.
Ito ang tiniyak ng Department of Health sa gitna ng patuloy na nakikitang aktibidad ng Bulkang Mayon.
Batay sa DOH-Bicol Center for Health Development — nasa 29 na evacuation camps na ang naikutan para mabigyan ng MHPSS ang mga evacuee.
Art ang play session ang ilan lamang sa serbisyong binibigay ng MHPSS para sa mga bata; social and community support; consolation and emotional ventilation; psychosocial education, at stress management.
Bukod dito, inire-refer ng Psychosocial Team ang evacuees na nangangailangan ng karagdagang mental health at psychosocial intervention mula sa mga eksperto.
Mahigit 5,000 na psychosocial services na ang naibigay sa mga evacuation center, ayon sa DOH-Bicol CHD
Katuwang naman ng DOH ang Department of Education o Deped Region V; Philippine National Police; at iba pang mahalagang tanggapan.
Samantala, naka-iskedyul na rin ang mga susunod na deployment ng Psychosocial Team sa evacuation centers sa buong Albay para sa marami pang MHPSS ang magawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden