Home METRO S.H. Loyola Street sa Maynila isasara ‘gang Hulyo 14 – DPWH

S.H. Loyola Street sa Maynila isasara ‘gang Hulyo 14 – DPWH

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-North Manila District Engineering Office ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta sa gitna ng isinasagawang road repair activities sa kahabaan ng S.H. Loyola Street sa Maynila.

Sa abiso, sinabi ng DPWH-National Capital Region na ang DPWH–North Manila District Engineering Office ay magsasagawa ng road concreting/reblocking works sa S.H. Loyola St. sa pagitan ng Craig at Metrica Street; pagitan ng Metrica at Maceda Street simula June 30, 2023, hanggang July 14, 2023.

Sinabi rin sa abiso na asahan na ang mabagal na daloy ng trapiko sa apektadong lugar dahil sa rehabilitasyon ng 31.50 linear meters length ng kalsada.

Sinabi ng DPWH na isang linya o partial road closure din ang ipapatupad sa lugar at service road ay gagamitin bilang alternatibong ruta sa 15 araw na road repair.

“Construction activities include breaking and hauling of existing concrete pavement, followed by base preparation after which is the pouring and curing of concrete pavement,” sabi ng DPWH-NCR.

Dagdag pa na ang road repair ay bahagi ng DPWH’s preventive maintenance activities sa tertiary roads. Jocelyn Tabangcura-Domenden